Kay gagwapo't nakaka-in love
Kay rarami't ako'y nalilito na
Kahit saan sila'y nakikita
Kahit ano kanilang ginagawa
Gusto ko, alam ko
Iliusyon lang lahat ito
Gusto ko sila ngunit di nila ako gusto.

Oo! Lalaki ako ngunit ako'y... hmmmppp, na-aatrack sa mga lalaki. Nakakahiya man pero ito ang aking nararamdaman sa ngayon. Humanda, huminga ng malalim sapagkat ipapakilala ko kayo sa kanila. Una, si Froi na isang engineering student na nakilala ko noong kami'y nag orientation noong nakaraang semester. Mabait, mapagmahal at magalang siya. Pangalawa, si John Patrick na isang nursing student na naging kaklase ko sa Literature i; Si Michael, BS-BA student na kaklase ko sa Filipino 1; si Winged Knight 2000 na ang tunay na pangalan ay Michael Lua, ay isang engineering student din; si Winston, isang Accountancy student; si "Man-in-the-kabab" na di ko alam ang pangalan; si Cam, isang Mascom student; si Zames na Mascom student rin; at iba pang mga estudyanteng 'di ko alam ang pangalan. Iba-iba man ang kanilang mga ugali at kurso ngunit sila ay may iisang katangian: MAPUTI, SINGKIT ANG MATA at PAYAT - ang mga katangiang gusto ko sa isang lalaki.
Some of them I heard are bi's. It's something I didn't know of before that's why I didn't even bother tell them what I felt. Or I think I did, it's just that, they just didn't tell me about it for whatever reasons they had. Perhaps because they think, I couldn't be trusted with issues regarding sexuality. I don't think so.
No comments:
Post a Comment